Para sa mga pangarap na iniwan na natin sa langit.
Para sa posibilidad ng bukas.
Para sa pusong panay peklat na.
Para pagdami ng mga ngiti sa mundo.
Para sa mga iniwan na nating emosyon.
Para sa mga naiwan rin nito.
Para sa pagiging tao.
Para sa mga pagkakamaling tama.
Para sa mga pagkakamaling mali talaga.
Para sa pagiging bago,
sa pagbabago ng luma.
Para makilala ang tadhana
at maunawaan ang kapalaran.
Para sa paggawa,
sa pagiging.
Para sa kahapong dumaan na,
sa pagkamulat sa dilim,
sa kulang at sa sobra.
Para sa wala,
sa libog na natutuyo,
sa mga agos ng mga luha
at nakakabusog na tawa.
Para sa marami at sa mga nag-iisa.
Para sa tamis at lason ng kasalanan,
sa mga piping hinaing
at sa sakal ng ating mga dinaramdam.
Para sa pag-ibig na pinaghihirapan,
sa lahat ng hindi natin makakamit.
Para sa mga wala nalang masabi.
Para mabuhay muli.
Sana mahanap natin ang dahilan.
-- JFB
No comments:
Post a Comment