Thursday, October 8, 2009

IKAW

Sa bawat pagmulat ng mata,
ikaw ang nakikita
Sa pagsapit ng dilim,
ikaw ang nais makapiling

Sa bawat tibok nitong puso,
pagmamahal ay mas sumisigla
Sa bawat sakit na nadarama,
ikaw pa rin ang nais makasama.

Paano na kung naglaho ka?
Paano na kung pag-ibig ay wala na?


No comments: